Wednesday, April 16, 2008

Bai, naa kay load? Pa-text beh? Please…


“I know that I have let you down,
And what I do is always wrong.
But I promise you that I will be good,
And just for you I will be strong.

Tears are rolling down my face,
The thought of losing you makes me cry.
I just want us to be okay again,
Please, don’t say goodbye.”

Naktanggap na ba kayo ng ganitong klaseng message sa cell phone ninyo? Ako, halos araw araw ako nakakakuha ng ganito. Mga dalawa, at least, sa isang araw. Minsan nga gusto ko ng ibenta para magkapera naman ako kahit konti, pero wala na yatang mga bobong bumibili ng text message. May unli na kasi ngayon e. Ang talagang nakakatuwa sa mga ganitong klasesng mensahe ay ang kanilang mga mensanheng sinusubukang ibaabot sa mga tao. Iisa lang naman ang kanilang sinasabi… “sorry and I want you back… please?”

Wala naman akong anything against sa mga quotes quotes na ‘to, sa totoo nga e minsan gusto kong gumawa ng sarili kong quote na pwedeng makalat sa buong Pilipinas. Pero parang may requirements pa yata ang ganoon. May entrance exam pa nga siguro e. Kaya for now, college nalang muna ang tatapusin ko. Diba Mommy? :D

Minsan, may mga message din na bastos at naguutos… di ‘yung mga sine-send sa’yo ng nanay mo pag nasalabas ka at may gusto silang ipabili, ang tinutukoy ko ay ang mga message na nagsasabing “send this to 20 people or the love of your life will die in 2 minutes.” Umiinit talaga ang ulo ko sa mga ganito..

“Father almighty, please guide me today and never let me go, help me in all of the things that might give me pain and heal me when I am in grave danger. Amen.
Send this to 20 people or the love of your life will die in 2 minutes. Ingat… :)”

Ok na sana e. Ang ganda na sana ng prayer, e hihingi pa pala ng ransom ang nagsend kasi nasa mga kamay nia pala ang buhay ng pinaka-mamahal mo. Isa palang ransom note in disguise ang prayer na ito! Wala siyang pakialam kung ano ang gawin mo para masend mo yan sa 20 people, basta 2 minutes lang ang binibigay niya sa’yo. Parang sa teleserye, o mas masahol pa. Wala naman siyang makukuha kung patayin nia ang pinaka-mamahal mo diba? Kakainis kasi may Ingat pa sa banding huli. Minsan “Gud PM” o “Gud AM” pa. Kakainis! May mga naniniwala pa talaga sa mga ganito. Sabi nila, ”Better safe than sorry” ako naman sabi ko ”Ano ba yan? Ang corny”

IQ TEST: Henry’s mother has five children namely

  1. Chachey
  2. Chechiy
  3. Chichoy
  4. Chochuy
  5. ???????


What is the name of the last child?

Napaisip ako sa isang ito. Pero noong first try ko, confident na ako at sinabi kong “Chuchay!” yun pala, e mali ako. Sabi sa’kin mali daw. Sabi ko hindi. Diba may pattern naman ang mga pangalan mga mga anak ng nanay ni Henry? Ay… Henry pala.

No comments: