Sunday, April 13, 2008

Nagiisa, Natatangi


Isa sa mga pinaka matalik kong kaibigan ay pupunta ng Manila para mag-aral. Doon na raw siya forever kaya medyo malungkot ako.

Kagagaling ko lang sa kanyang debut noong Friday. Enjoy na enjoy siya, talagang sinulit nya ang time kasi yun na daw ang kanyang last most memorable moment sa Davao. Ako naman, sinulit ko rin! Lahat ng mga favor na hiningi nya, go na go ako! Hindi ko kayang tanggihan. Sabi ko kahit gaano pa karami, basta wag mo ako iwan! hahah!!! pero wala na akong magagawa kaya go na go parin ako sa favors nia. Kahit hindi naman siya aalis, gagawin ko parin ang mga yun.

Isang napakabait na nilalang si Inna Abian. Maganda, matalino, mabait, at matapang. Kulang nalang ay super human strength at yakang yaka na nyang patumbahin sina Supergirl at Hawkgirl sa isang wrestling showdown.

Nakilala ko siya noong first year highschool pa ako, ngayon, second year college na ko e, so if you do the math, magfa-five years na kaming magkakilala ni Inna!

Na close ko siya kasi noong highschool, ako 'yung tipong problemado't in-love at the same time, kaya kailangan ko lagi ng makausap, e sa akin ba namang mga problema, tipong heart to heart session talaga ang kinakailangan! haha!!! Kaya 'yun... Grabe si Inna kasi kahit na may agenda siyang kailangang asikasuhin, sasamahan ka parin nya! Walang iwanan for life.


Anyway, noong Friday ng gabi, diba debut ni Inna? Tapos kakatawa kasi ako talaga ang pinaka unang dumating, mga 30 minutes early ako. Kala ko nga naunahan ko pa ang celebrant, baka isipin ng mga tao doon na ako si Inna.

So nagpaparty na, nageenjoy na ang lahat, nagiiyakan ang iba dahil sa matinding imusyon, at yung iba naman nagsiuwian kasi tinatawag na sila ng kanilang Mommy. Parang ako! Pero hindi talaga ako umalis hanggang sa niligpit na ng mga waiter ang mga plato't kanin na nakakalat pa sa iba't ibang mga lamesa.

Umalis ako doon ng mga 11:00 na. Habang naghahanap ng taxi, isang motor ang pumarada sa harapan ko, tinanong nya saakin kung saan ako pupunta, sabi ko "sa bahay, alam mo ba kung saan 'yun?" Tapos sinabi nya sa'akin "sabihin mo nalang para maihatid kita," kaya sinabi ko nalang. 40 ang kanyang singil para lang din akong nagtaxi mas nakamura pa nga yata e.

Ang sarap ng aking ride pauwi, the wind was so strong, feeling ko lilipad na ako noon, ang bilis ng motor, mga dalawang taxi ang kanyang inover-take kaya sulit talaga ang aking 40 pesos.

Paguwi ko, medyo nahirapan akong matulog, iniisip ko "Hindi ko na makikita si Inna?" Hindi ko kayang itake ang pressure na yun, kaya tinext ko pa siya, mga 3 pages ung text ko, tapos sinend ko sa kanyang sun and globe kaya 6 pesos na yun... bahala na.

Gising ako hanggang 2 am, naghihinayang kasi ang dami ko pa sanang gustong sabihin kay Inna, ang dami dami talaga, parang 'yung mga puting t-shirt sa "GABUNDOK NA LABADA!" na patalastas, ang dami pa talaga sana.

Tapos tinext ako ni Inna. bandang 2:30 na yun, gising pa ako! mahaba ang text pero ito lang ang isusulat ko na part...

"It was truly a wonderful journey with you Kev, and I know this won't be the end of it."

Noong binabasa ko ang part na 'yan, panatag na ang loob ko na magkikita pa kami ni Inna Abian... kahit sa UP Diliman na siya magaaral at sa Manila na siya titira, magkikita parin kaming dalawa... kahit magkaroon na ako ng tatlong anak at apat na apo sa loob lamang ng 15 taon, magkikita parin aming dalawa. hahahah!!! ang lupt ah? Pero bitaw...

Paano ko ba ito tatapusin? Ganito nalang... :D


P.S.

Kikita nyo ba ang picture? Yan ang kauna-unahang picture na magkasama kaming dalawa ni Inna, kakainis, yan na nga lang yata ang nagiisa, mukha pa talagang hindi ako nakatingin sa camera.... Bwisit!


1 comment:

SuperKai said...

you're such a char "BisTag" (bisayang tagalog) hehehe