Nanonood ako ng news kanina sa tv at nalaman ko na ang populasyon pala nating mga Pinoy ay dodoble na sa loob ng tatlumpu’t limang taon lamang! Paano na ang mga magiging anak ko? At mga apo? Paano na ang kinabukasan ng ating bayan? Halos 88.4 million na yata ang populasyon ng Pilipinas sa kasalukuyan at ayon sa mga taong nagtatrabaho sa UP at nag-se-specialize sa mga bagay tulad ng population, aabot na daw ng 177.3-.4 million ang ating bilang base sa mga findings nila. Isa pa, ang presyo ng bigas sa Pilipinas ay tumataas din. 17 years old pa ako, kaya nagwoworry na ako. Paano na kaya kung nakapagtapos na ako ng pagaaral, kung may sarili na akong buhay’t pamilya? Paano na? mahal na nga ang bigas ngayon, ano pa kaya sa future? Alangan namang magasa nalang ako sa mga institusyong namimigay ng libreng bigas? Paano kung wala sila sa kung saan ako nakatira? Hahabulin ko pa ba sila? Mahirap na ito, kahit na maging isang successful person ako sa mundong ito, mahirap parin noh.
Napanood ko rin kanina sa TV na may isang lugar sa Bohol na umaasa lang sa mga isdang nahuhuli nila sa karagatan. Ang bayan kasi nila nasa tabi lang ng dagat, at karamihan sa mga tao doon, mga mangingisda. Ngayong napakarami na ng mga Pinoy, napakarami narin ng mga mangingisda, at dahil marami ng mangingisda, dahandahang nauubos ang mga isda sa kanilang lugar. Paano na yan? Ano na ang ipapakain nila sa kanilang mga pamilya? Diba isang problema rin yan na kailangang ayusin ng lahat ng mga Pilipinong tulad mo? Sigurado akong hindi lang yan nangyayari sa Bohol. Sa buong Pilipinas ito nangyayari. Doon lang sa Bohol nagsisimulang maghasik ng lagim ang mga consequence ng ating mga nagagawang katangahan.
May isa pang problema. Mayroon tayong, more or less, 400,000 fresh graduates every year. Karamihan sa kanila, nagkakatrabaho naman, pero kahit na ganoon, mahirap parin kasi ang dami paring mga graduates ang hindi nakakahanap ng trabaho. Halos 64.4 thousand fresh graduates ang hindi nakakahanap ng trabaho. Malaki parin yun,at nadadag-dagan pa lalo ang dami ng mga unemployed sa ating bansa, e ang dami dami na nga nila; ang dami dami ng tao, ang dami dami ng problema, pamilya at walang pera.
Mahirap na to! Ano ba ang nangyayari sa ating pinakamamahal na ”Inang Bayan”? Bakit ba pahirap na tayo ng pahirap? Papatong patong na kasi, simula sa bigas, hanggang sa populasyon. Ano ba yan!?
May mga plano pa naman ako sa buhay, pero kung ganito lang din pala ang mangyayari dito, mas gugustuhin ko nalang umalis at magpakasaya sa labas ng bansang ito... kahit na masakit sa aking kalooban.
Ang dami-dami na kasi talagang mga problema:
1. Population, most likely, will double in 35 years
2. Rice in our country is getting too expensive, even though we're rich in it
3. Many of our fishermen can’t catch fish the same as before.
4. Even if the fishermen can catch as much, it still won’t be enough to both support their families, and to earn a living
5. A living in this country can only be called “a living” if it’s used with “hell” at the end
6. There are 400,000 graduates every year, and still, there are 64.4 thousand fresh graduates that are unemployed
7. The people running our country are, evil, stupid, corrupt and destructive
8. Wala na akong pera pang labas ng bahay! T_T
Konti palang yan...
Sigurado akong marami ring nagiisip ng ganito. Hindi lang ako, bata pa ako e kaya wala ako masyadong masabi. Kaya ganito nalang ang gagawin natin. Bigyan ninyo ako ng pera panglabas ng bahay para maayos ko ang mga problema ng Pilipinas. Alam kong kaya kong ayusin ang mga ito, pero kailangan ko lang talaga ng pera...
Ganito ako pag Summer. Summer + walang summer class = walang pera
Basta! Give me money, and I’ll solve our problems! Believe in me. Please… :D
No comments:
Post a Comment