Nakilala ko lang sila noong 4th year high school na ako. Diba, karamihan sa mga tao, nakikilala ang kanilang mga kaibigang tunay, grade school palang? Ako hindi. Maraming mga tao kasi ang gustong pumatay sa'akin noong akoy isang munting mus-mos pa lamang. Ako ay isang natatanging loser. Kahit nga ako, gusto kong pataayin sarili ko noon, kaya lomo pala ako... loser-emo.
Noong ganoon pa ang pagtrato ng mga tao sa akin, talagang mahirap. Mahirap gumawa ng kahit anong bagay. Hindi man lang ako makalabas ng classroom pag recess ng hindi nagpapaalam sa "Bully" ng classroom. Hirap na hirap pa ako noon. Kahit nga mga taong hindi ko pa nakilala e galit na sa'akin, ano pa kaya yung mga kilala ko?
Ganoon katindi ang aking sitwasyon, pero hindi ko naman sinasabing napakabaito ko't ang sasama ng mga taong, 'yon. Naisip ko na baka nga may ginagawa akong hindi ko napapansing ginagawa ko pala. Napansin ko na kailangan ko na pala ng isang career change. Ako kasi, masyadong over sa maraming bagay, nageenjoy akong tumitig sa mga taong hindi ko kilala, pero wala naman akong gustong gawing away, naaaliw lang ako, minsan hindi ko mapigilan e, lalo na kung maganda ang tinitingnan ko, WOW! pero ngayon, talagang natutunan ko nang tigilan ang ganoong asal. Ang mga tao kasi ngayon, kontong tingin lang, iisipin na agad nila na naghahanap ka ng away, aminin.
From 1st year high school up to 3rd year high school, pinagaralan kong ituwid ang aking katauhan. Sinanay ko ang sarili ko sa pakikipagusap na hindi tumataas ang boses para hindi nilang isipin na nakikipagaway ako. Sinanay ko rin ang sarili ko sa pakikihalubilo sa mga taong kakakilala ko lang. Inisip ko kasi na kung mas marami akong mga kaibigan kaysa sa mga kalaban, edi kampante na ako! Masarap ang buhay ng isang tao na maraming matatakbohan pag may "problema" diba? Pero, wag nyong isiping nakikipagkaibigan lang ako para mag makuha ako in return. Pinipili ko naman ng tama ang mga kinakaibigan ko.
So, balik tayo sa mga kabarkada ko.
Marami kami, siguro mga 15-20+ kaming lahat sa barkada. Ang nakakatuwa sa amin ay iba-ibang klaseng tao kaming lahat.
Todo supporta sa'kin ang mga to noong high school, kahit ngayong college na kaming lahat, ganoon parin. Lahat kami may natatanging abilidad na wala sa iba, lahat mg kanya kanyang talento, kaalaman, katalinuhan at iba pa. Nakakatawa kasi sa sobrang dami naming lahat, e wala pa yata kaming picture na kompleto kaming lahat. Sa tuwing nagpapapicture kami, lagi talagang may isa o walong hindi nakasali. HAHAHA!!!
Ok kami kasi napaka organized namin. Sa tuwing may lakad kami, talagang nagpe-prepare kaming lahat. Dapat nakaready na ang inumin, ang pagkain, ang lugar.
Hindi ko alam sa iba, pero ako, talagang napaka laki ng aking binibigay na importansya sa aking barkada. Ang dami dami ko kasing mga pinagdaanan para mahanap ko sila. Kahit nga sila, noong first time kong sumali, ayaw dina ata nila sa akin, pero sa kanila ko talaga naipakita ang aking malaking pagbabagong pinaghirapan for 3 years. Kaya ako kampante pag kasama ko sila, kialang kilala kasi nila ako. Salamat sa kanila. HAHAH!!!
No comments:
Post a Comment